Friday, May 22, 2026

Mas maraming bilang ng Duterte senators sa impeachment trial ni VP Sara, hindi isyu kay PBBM

FILE PHOTO

Hindi ikinababahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung mas maraming senador na kaalyado si Vice President Sara Duterte sa nalalapit na impeachment trial nito.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi nakikialam ang Palasyo sa magiging takbo ng impeachment trial dahil nasa kamay na ng Senado ang desisyon.

Ang mahalaga aniya ay ang pagsunod sa batas at ebidensiya, at hindi ang personal na kampihan.

Binigyang-diin din ni Castro na dapat manaig ang pagiging patas at makatarungan ng mga senator-judge sa pagdedesisyon sa kaso.

Dagdag pa nito, dapat timbangin ng mga senador kung ang kanilang hakbang ay para sa kapakanan ng sambayanan at hindi para protektahan ang iisang tao lamang.

Facebook Comments