
Nagsagawa ng aerial inspection at site visit sa Northern Sierra Madre Natural Park sa Isabela province si House Speaker Faustino Bodjie Dy III kasama ang ilan sa mga kongresistang miyembro ng House Committee on Government Enterprises and Privatization na pinamumunuan ni Parañaque Rep. Eric Olivarez.
Ang nabanggit na hakbang ay kaugnay sa isinusulong na pagpasa sa House Bill No. 3538 o panukalang paglikha ng Sierra Madre Conservation and Development Authority (SMCDA)
Ito ang ay isang specialized government body na tututok sa long-term protection, rehabilitation, at sustainable development ng Sierra Madre region na sumasakop sa 10 probinsya kabilang ang Cagayan, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Rizal, Bulacan, Laguna at Quezon.
Ayon kay Speaker Dy, ang pagpreserba sa Sierra Madre ay hindi lang bahagi ng environmental protection kundi paghahanda din laban sa mga kalamidad.
Paalala ni Dy, ilang beses ng nakatulong ang Sierra Madre para mapahina ang mga malalakas na bagyong pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaya naiibsan ang pinsalang dulot nito sa mga komunidad.










