Hindi pinaboran ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pagkonsidera ng Commission on Elections o COMELEC na ipagbawal ang face-to-face campaigning para sa May 2022 elections upang maiwasan na lalong kumalat ang COVID-19 sa panahon ng kampanya.
Para kay Pangilinan na isang re-eleksyunistang senador, sobrang paghihigpit naman kung ipagbabawal ang face-to-face campaigning.
Giit ni Pangilinan, ang dapat ipagbawal ay ang malalaking pagtitipon.
Sa tingin ni Pangilinan, maaaring pahintulutan ang small gatherings ng 10 hanggang 30 katao na lahat ay nakasuot ng face mask at sumusunod sa social distancing.
Idinagdag pa ni Pangilinan na maaari namang pagsapit ng campaign period ay marami na ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine kaya pwede na ang mga maliit na pagtitipon.