5 NPA, patay sa sagupaan sa Lanao del Sur

761

Kinumpirma ni Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala na limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos na magka-engkwentro ang tropa ng First Special Forces Battalion sa ilalim ng Special Forces Regiment (Airborne) at nasa 30 NPA sa Brgy. Gayakay, Tagaloan II, Lanao del Sur.

Aniya, nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo target ang mga NPA kabilang sa North Central Mindanao Regional Committee nang magkaabutan sila sa Brgy. Gayakay at nagkaroon ng matinding putukan na umabot sa isang oras at kalahati.


Dahil dito, nasawi ang limang NPA habang wala namang casualties sa panig ng mga sundalo.

Narekober naman ng militar ang ilang mga armas at pampasabog.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa mga nakatakas na mga NPA.

Facebook Comments