Patuloy na tumataas ang antas ng pagtanggap ng publiko kay Partido Reporma Chairman at 2022 elections Standard Bearer Panfilo Lacson.
Sa pinakahuling survey na inilabas ng Catholic-owned Radyo Veritas, nakapagtala si Lacson ng 19 puntos.
Isinagawa ang survey noong Oktubre 1 hanggang 31 na may temang Respondent’s Perception of Who Among the Current Presidential Aspirants Adheres to Catholic Values and Beliefs.
Bago ito ay nakapagtala ng 68 porsiyento si Lacson sa naunang survey ng grupong Power of Truth Halalan 2022 na inumpisahan noong Oktubre 22 at nagtagal ng anim na araw mula sa dalawang libong respondent.
Bago ang nabanggit na dalawang pinakahuling survey, nakuha ni Lacson ang 12.5 porsiyento sa Pulso ng Pilipino pre-election survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center (The CENTER) mula nitong Setyembre 27 hanggang Oktubre 8.
Ayon sa The Center, nagpapakita ng lakas sa Luzon at Visayas ay unang naitala ni Lacson.
Bunsod nito, positibong tinanggap ng Partido Reporma ang mga nabanggit na resulta ng survey dahil nagpapakita lamang ito na nasa tamang direksyon ang kanilang pangangampanya sa kabila ng kakaibang galawang pampolitikal sa bansa sa kasalukuyan.
Bukod sa magandang impresyon ng mga survey, inaasahang titibay ang pundasyon ni Lacson sa Mindanao dahil sa naganap na malawakang lipatan ng mga politiko sa Davao Del Norte sa Partido Reporma mula sa ibang partido na kinabibilangan maging ng PDP Laban.