Sen. Trillanes, hinamon ng Malacañang na ulitin ang speech laban kay Pangulong Duterte sa labas ng kongreso

Manila, Philippines – Hinamon ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes na ulitin ang kanyang speech sa labas ng Kongreso hinggil sa sinasabi nitong pagbili ng Pangulong Duterte ng impormasyon mula sa isang financial forensic expert.

May kaugnayan ito sa bank records ni Trillanes na unang ibinunyag ng pangulo .
.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi dapat magkubli si Trillanes sa parliamentary immunity.

Malinaw aniyang natatakot si Trillanes sa maaari niyang kaharaping criminal prosecution kaya idinadaan niya ang paglalahad ng kanyang fake informations sa pamamagitan ng privilege speech.


Idinagdag ni Panelo na hindi na kailangan ng Pangulong Duterte na gumastos para makakuha ng impormasyon hinggil sa bank records dahil bilang Chief Executive at Commander-in-Chief ay otomatiko itong may access sa mga
Impormasyon na nakakalap ng intelligence network ng Philippine Government.

Facebook Comments