MANILA – Matapos ang mahigit tatlong buwang bakasyon dahil sa national at local election, balik sesyon ang Senado at Kamara, ngayong araw.Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, agad nilang aaksyunan ang mga panukalang batas na hindi natapos bago simulan ang pag-canvass sa boto ng Presidential at Vice Presidential candidates.Hindi naman sinabi ni Gonzales ang mga panukalang batas na maaaring lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino bago bumaba sa kaniyang pwesto sa Hunyo 30.Dagdag pa ni Gonzales, na agad ding magpapasa ang kongreso ng resolusyon para magpatawag ng joint session para simulan na ang canvassing ng mga boto.Target ng kongreso na masimulan ang pagbibilang sa Miyerkules (Mayo 25) pero wala naman itong itinakdang panahon kung kailan tatapusin ang canvassing bago iproklama ang nanalong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.
Senado At Kamara, Balik Trabaho Ngayong Araw
Facebook Comments