Senado at Kamara, nagkasundong gawing P162-B ang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2

Bukas ang senado na taasan ang alokasyong inirekomenda nito para sa panukalang Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, payag ang Senado na itaas sa P162 billion ang total budget ng Bayanihan 2, kahalintulad sa halagang ipinanukala ng Kamara.

Sa bersyon ng Senado, matatandaang P140 billion lang ang iinilaan nitong alokasyon para sa bayanihan 2.


Samantala, kabilang sa paglalaanan ng pondo ay ang mga sumusunod:

  • P10 billion – COVID-19 PCR testing
  • P15 billion – cash-for-work program para sa mga displaced workers
  • P17 billion – cash subsidy para sa mga empleyado mula sa apektadong small business, unemployment at severance pay para sa mga displaced worker
  • P50 billion – government’s loan program
  • P17 billion – suporta sa agriculture sector
  • P12 billion – transportation industry
  • P10 billion – tourism industry

Dagdag pa ni Drilon, sa ilalim ng Bayanihan 2 ay maglalaan din ng P5,000 hanggang P8,000 cash subsidy para sa mga pamilya mula sa informal sector pero hindi pa tukoy kung ilan pamilya ang mabebenepisyuhan nito.

May panukala ring magbigay ng one-time cash assistance sa mga private school teachers.

Nagkasundo rin ang dalawang kapulungan ng Kongreso na magbigay ng P15,000 cash assistance sa mga health workers na may mild at moderate cases ng COVID-19.

Bukas, muling magpupulong ang Bicameral Conference Committee para plantsahin ang ilan pa sa hindi magkakatugmang probisyon sa bersyon ng Bayanihan 2 ng Senado at Kamara.

Facebook Comments