DeMarcus Cousins, tiwalang makakabalik sa basketball court matapos magtamo ng injury

Tiwala si Golden State Warriors big man DeMarcus Cousins na makakapaglaro pa siya sa basketball court ngayong NBA season matapos magtamo ng injury.

Batay sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) result – na nagkaroon nang maliit na punit ang kaliwang quadriceps muscle – sa may kaliwang hita pero hindi na kailangang operahan.

Nakuha ni six foot 10 big man ang injury sa kasagsagan ng first quarter ng game 2 ng first round series ng labanang Warriors at Los Angeles Clippers noong Abril 16 (Manila time).


Nakapagtala ng average na 16.3 points, 8.2 rebounds at 3.6 assists kada laro si Counsins sa 30 regular season games para sa Warriors.

Facebook Comments