Tuesday, January 20, 2026

Senado, hiniling sa DOJ na pag-aralan ang posibleng pagpapauwi kay Zaldy Co sa pamamagitan ng legislative warrant

Hinimok ni Senate President Tito Sotto III ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralan ang posibilidad ng paglalabas ng legislative warrant laban kay dating Cong. Zaldy Co.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) ay natanong ni Sotto ang DOJ sa posibilidad na mapauwi ng Pilipinas si Co sa pamamagitan ng legislative warrant lalo na kung ang dating kongresista ay nasa bansang miyembro naman ng Inter-Parliamentary Union (IPU).

Napabalita kasi na si Co ay nasa Portugal pero walang extradition treaty ang nasabing bansa para mapauwi sa Pilipinas ang dating mambabatas.

Una rito ay naglabas na ng show-cause order ang Blue Ribbon Committee laban kay Co dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig kahapon kahit pa inisyuhan na ito ng subpoena.

Pinagpapaliwanag si Co kung bakit hindi ito nakadalo at kung hindi maging katanggap-tanggap sa komite ang kanyang paliwanag ay saka maglalabas ang Senado ng arrest warrant laban sa dating kongresista.

Facebook Comments