MANILA – Magsasagawa ng public hearing ang Senado sa Huwebes, April 7 kaugnay sa marahas na dispersal sa mga nagpo-protestang magsasaka sa Kidapawan City noong nakaraang linggo.Ayon kay Committtee on Justice and Human Rights Head Senador Koko Pimentel, isasagawa ang pagdinig sa University of Southeastern Philippines (USEP) sa Davao City.Kabilang sa mga iimbitahang resource speakers ay mula sa mga nagprotestang magsasaka.Nangako si Pimentel na pakikinggan nila ang lahat ng panig para lumabas ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.Sa Davao City isasagawa ang hearing dahil malayo pa ang dadayuhin ng mga sugatang magsasaka kapag sa Maynila ginanap ang pagdinig.Sa interview ng RMN kayNorth CotabatoPolice Office Spokesperson SuperintendentBernard Tayong, nilinaw niyang bukas sila sa isinasagawang imbestigasyon ng iba’t ibangfact finding team.Bukod dito, iginiit ni Tayong na mas maraming pulis ang nasugatan kaysa sa mga raliyista.Sa kabila nito, balik-operasyon na ang mga pulis na nasugatan sa insidente pero dalawa sa mga ito ang nasa ospital pa hanggang ngayon.
Senado, Magsasagawa Ng Public Hearing Sa Marahas Na Dispersal Sa Mga Nagprotestang Magsasaka Sa Kidapawan City
Facebook Comments