Nagpadala ng liham ang Senate Blue Ribbon Committee kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Cesar Dulay.
Hinihiling sa liham ang pagbuo ng BIR ng task force para imbestigahan kung nagbayad ng tamang buwis ang mga kompanyang binilhan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management o PS-DBM ng bilyon pisong halaga ng face mask, face shield, COVID test kits at mga PPE.
Pangunahin dito ang Pharmally Pharmaceuticam Corporations na binilhan ng PS-DBM ng mahigit 10 bilyong pisong halaga ng pandemic supplies.
Kasama rin sa pinasisilip ng Seando sa BIR ang isa pang Chinese Firm na Xuzhou Contruction Machinery na binilhan ng PS-DBM ng mahigit 2 bilyong pisong halaga ng personal protective equipment.
Samantala,
Alas onse ngayong umaga ay nagpapatuloy ang ika-14 na pagdinig ng Senado ukol sa umanoy iregularidad sa paggamit sa pagbili ng pandemic supplies.
Imbitado uli sa pagdinig ngayon si Health Secretary Francisco Duque III sa iba pang opisyal ng kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Inimbitahan silang muli ng Senate Blue Ribbon Committee kahit pa may kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa kanila na dumalo sa pagdinig.