Senado, plano na ring alisan ng confidential at intelligence fund ang ilang ahensya

Nagkaisa ang liderato ng Senado na gawin din ang hakbang ng Kamara kung saan ililipat ang mga confidential at intelligence funds na unang inilaan sa mga departamento at ahensyang wala namang kinalaman sa pagprotekta sa seguridad at kaligtasan ng bansa.

Bilang bahagi ng budget process, nagdesisyon ang Kamara na i-reallocate o ilipat ang confidential and intelligence funds sa mga ahensyang responsable at nakatutok sa intelligence at surveillance.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, plano rin ng Senado na i-realllocate ang ilang pondo na sa tingin nila ay hindi naman kinakailangan na paggamitan ng isang ahensya.


Sinabi pa ni Zubiri na ang pondo ay ililipat sa intelligence community, sa Philippine Coast Guard (PCG) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nang matanong naman kung kasama ba ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na kapwa pinamumunuan ni VP Sara Duterte, tugon dito ni Zubiri ay ire-review ang lahat ng mga agencies.

Facebook Comments