Senado, sisimulan na ang pagdinig sa pag-okopa ng grupong KADAMAY sa housing projects ng gobyerno sa Pandi, Bulacan

Manila, Philippines – Aarangakada na mamaya ang pagdinigng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement sa pag-okopa nggrupong KADAMAY sa housing projects ng gobyerno sa Pandi, Bulacan.
 
  Ayon kay Committee Chairman Senador JV Ejercito, layun ngpagdinig na malaman kung sino ang dapat managot sa pag-papabaya sa nasabinghousing projects na itinayo ng national housing authority at kung saan napuntaang pondong nakalaan dito.
 
  Target din ng pagdinig na mabusisi kung bakit marami paring housing projects ng NHA ang nananatiling substandard, bitak-bitak atnakatiwangwang.
 
Giit pa ng Senador, ang government housing projects ayhindi lang basta tungkol sa structure.
 
Dapat aniya aymayroon itong strategic plan para matugunan ang pangunahing pangangailangan ngmga benepisyaryo nito tulad ng access sa kanilang kabuhayan, transportasyon,edukasyon at health facilities.

Facebook Comments