Senado, target na maipasa ang economic Cha-cha bago o sa mismong buwan ng Oktubre

Plano ng Senado na mapagtibay ang panukalang Resolution of Both Houses No. 6 o ang pag-amyenda sa economic Charter Change (Cha-cha) bago o sa mismong buwan ng Oktubre.

Ito ang timeline ng subcommittee on Constitutional Amendments na pinangungunahan ni Senator Sony Angara na nagsimula na ngayong linggo para talakayin ang Cha-cha.

Ayon kay Angara, pinaka-‘latest’ na target na maipapasa nila ang Cha-cha sa Oktubre kung saan ito rin ang panahon na isinasapinal ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang balota.


Dapat kasi na maitakda ang plebesito sa loob ng 60 hanggang 90 araw matapos maaprubahan ng Kongreso ang resolusyon kung saan isasabay ito sa 2025 midterm elections.

Magkagayunman, sinabi pa ni Angara na kahit may timeline ay wala pa ring katiyakan na pagsapit ng Oktubre ay maipapasa ng Senado ang economic Cha-cha.

Facebook Comments