Senado, tiwalang idedeklara ng Korte Suprema na legal ang pagkulong kay Pharmally Executive Linconn Ong

Kumpiyansa sina Senate President Tito Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon na magdedesisyon ang Supreme Court pabor sa Senado.

Kaugnay ito sa petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ni Pharmally Pharmaceutical Corp. Director Linconn Ong para ideklarang labag sa Konstitusyon ang pagkulong sa kanya ng Senado simula pa noong September 21.

Ayon kay SP Sotto, marami ng naging desisyon at jurisprudence kung saan pinaboran ng Korte Suprema ang Senado sa pagkulong sa mga resource person na ayaw makipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado.


Sinabi naman ni Drilon na tiwala siya na legally correct ang pagkulong ng Senado kay Ong base na rin sa naging desisyon ng Supreme Court sa Arnault vs Nazareno case noong 1950.

Ayon kay Sotto at Drilon, ang Senate Legal Counsel ang sasagot sa petisyon ni Ong.

Facebook Comments