Senador Bong go, pinayuhan si Atayde na unahin ang interes ng mamamayang Filipino

Nagpasalamat at pinayuhan ni Senador Christopher Bong Go si Quezon City 1st District congressman candidate Arjo Atayde matapos malaman na isa si Senador Go sa iniidolo ni Atayde at nais na tularan sakaling maging mambabatas.

Pinayuhan pa ni Go si Atayde na unahin lagi ang kapakanan at interes ng mamamayang Filipino at tiyak hindi magkakamali sa Atayde.

Dagdag pa ni Go, laging unahin ni Atayde ang serbisyo publiko at mahalin ang mamamayang Filipino.


Ginawa ni Go ang pahayag kasabay ng kanyang pagbibigay ng tulong sa 149 na pamilya na nasunugan sa Maharlika Village, Taguig City.

Matatandaan na una nang nagpakita ng suporta si dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary at dating Senador Gregorio Honasan ng suporta kay Atayde dahil sa kanya adbokasiya na magkaroon ng libreng Wi-Fi sa buong kapulungan ng bansa.

Isinusulong din ni Atayde ang aksyon agad sa serbisyo publiko sa mamamayang Filipino.

Magugunita na noon kasagsagan ng hagupit ng pandemya, agad na boluntaryong tumulong si Atayde sa pamamagitan ng pamamahagi ng gamot at bitamina sa mga kababayan at namahagi rin ng pagkain sa mga mahihirap na apektado ng pandemya.

Dahil sa nakita niya ang hirap na nararanasan ng mga kababayan kaya ito ang nagtulak para siya ay tumakbo bilang kongresista ng 1st District ng lungsod ng Quezon.

Facebook Comments