Senador, iginiit na dapat may water cannon na rin ang PCG

Pinatatapatan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ng water cannon laban sa water cannon ang patuloy na karahasan at pambubully ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay na rin ito sa pinakahuling insidente ng pag-water cannon ng mga barko ng China sa resupply vessels ng Pilipinas sa may bahagi ng Panatag o Scarborough Shoal.

Iginiit ni Pimentel na dapat ngayon ay mayroong water cannon ang ating Philippine Coast Guard (PCG) at may kakayahan tayong i-water cannon din ang mga pinaniniwalaan nating lumalabag sa batas at soberenya sa ating exclusive economic zone.


Ang water cannon aniya ang paraan ng mga coast guard para maitaboy ang mga iligal na pumapasok sa teritoryo ng isang bansa.

Binigyang diin pa ni Pimentel na dapat noon pa mayroong water cannon ang PCG dahil standard equipment ito sa pagbabantay sa ating karagatan.

Facebook Comments