Home Manila DZXL 558 Manila Senador, ikinalugod ang mabilis na pagtugon ng Korean ambassador ukol sa reklamo laban sa ilang Korean at TV restaurants sa bansa na nagbabawal magpapasok ng mga Pilipino

Senador, ikinalugod ang mabilis na pagtugon ng Korean ambassador ukol sa reklamo laban sa ilang Korean at TV restaurants sa bansa na nagbabawal magpapasok ng mga Pilipino

0
Senador, ikinalugod ang mabilis na pagtugon ng Korean ambassador ukol sa reklamo laban sa ilang Korean at TV restaurants sa bansa na nagbabawal magpapasok ng mga Pilipino

Mabilis na naaksyunan ni Korean Ambassador Lee Sang Hwa ang ipinaabot na sumbong ni Senator Erwin Tulfo tungkol sa ilang Korean TV at restaurants sa Angeles City at sa Clark, Pampanga na nagbabawal sa mga Pilipinong pumasok doon.

Nagpaabot ng pasasalamat si Tulfo, Chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, sa Korean ambassador dahil sa mabilis na pagtugon at pagpapaimbestiga sa naturang mga reklamo laban sa ilang korean-owned establishments.

Matapos makarating sa ambassador reklamo ng senador, agad na nagpadala ng mga hakbang si Ambassador Lee kay Tulfo para hindi na maulit ang insidente ng diskriminasyon.

Sinabi ni Sen. Erwin na kabilang sa mga hakbang na pinagagawa sa ilang mga korean ktv at restaurants ay ang pagpapaskil ng “APOLOGY” sa mga pinto tungkol sa pangyayari at pangako na hindi na magtataboy ng customer na mga Pilipino.

Dagdag pa ng mambabatas, nangako rin ang Korean Community Association na sisilipin at palagiang mag-iinspeksyon ng mga establisyamento kung sinusunod ng mga ito ang batas ng Pilipinas at pakikitungo nito sa mga local customers.

Facebook Comments