MANILA – Kahit anong mangyari ay walang makakapilit kay Senator Leila De Lima na magbitiw sa mataas na kapulungan.Ayon kay De Lima, hindi niya papatilan ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na mabuting magbitiw na sya kasunod ng pag-amin sa naging relasyon niya sa driver/bodyguard na si Ronie Dayan.Giit ni De Lima, ang resignation o pagbibitiw ay isang personal na desisyon na hindi maaring idikta lang sa kanya.Bwelta pa ni De Lima, kung meron mang dapat magresign, yan ay ang mga tao sa Executive department na gumagamit sa mga resources ng pamahalaan laban sa kanya.Si Dayan ay sinasabing bagman niya o taga-kolekta ng drug money sa operasyon ng iligal na droga sa bilibid.Ayon kay De Lima, ang pag-amin niya sa kanilang naging relasyon ay walang epekto sa mga kaso laban sa kanya dahil hindi naman nangangahulugan na kapag bagman ka ay dapat romantically involved ka na.Mariin ding konontra ni De Lima ang mga opinyon na nakakasira siya sa imahe ng Senado.Ang nakakasira aniya ay ang walang tigil na akusasyon laban sa kanya at pilit na pagsasangkot sa kanya sa illegal drug trade kahit na siya ay inosente.
Senador Leila De Lima – Nanindigang Hindi Magbibitiw Sa Puwesto
Facebook Comments