Senador, nais malinawan sa mga logistical issues kaugnay sa pansamantalang pagpapatuloy sa bansa ng mga Afghan refugees

Pinalilinaw ni Senator Sherwin Gatchalian, ang mga logistical issues na kanyang napuna patungkol sa hiling ng United State (US) na temporary housing dito sa bansa para sa mga Afghan refugees habang inaasikaso ang kanilang special immigrant visa bago makapasok sa Estados Unidos.

Ayon kay Gatchalian dapat naman na tumulong ang Pilipinas lalo na kung ang Afghan refugee ay qualified, walang criminal record at sila naman ay ikinukunsiderang kaalyado ng US.

Magkagayunman, iginiit ng senador na hindi praktikal na dalhin sa Pilipinas ang mga Afghan nationals dahil ang Afghanistan ay nasa Gitnang Silangan at may mga bansang mas malalapit doon na pwedeng pansamantalang tuluyan ng mga refugees.


Dagdag pa sa mga dapat ikunsidera ay ang ‘cost’ o gastos sa pagpunta pa lang sa Pilipinas, ilan ang lahat ng Afghan refugees na papasok sa bansa, ang kanilang tutuluyan, tagal ng ilalagi dito at kung kailangan din ba nila ng visa bago makapasok sa bansa.

Para kay Gatchalian, kung iisipin ang laki ng gastos ay hindi praktikal kung sa Pilipinas nila napiling pansamantalang patuluyin ang mga Afgan refugees gayong maraming bansa sa Middle East na mas malapit ang pwede nilang gawing temporary housing.

Bukod sa hindi praktikal ay aminado ang mambabatas na wala silang alam na detalye sa mga indibidwal mula Afghanistan na papasok sa Pilipinas kaya nakakabahala aniya ito para sa seguridad ng bansa.

Facebook Comments