Bitak sa ilang station sa MRT-3, namataan sa isinagawang inspeksyon ng Command Center kasunod ng nangyaring lindol

Patuloy na nagsasagawa ng inspeksyon ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa kanilang mga pasilidad kasunod ng mga naitalang bitak sa ilang terminal dahil sa lindol.

Una nang inihinto kanina ang operasyon dahil naramdaman din sa Command Center ng MRT-3 sa North Avenue Station ang naturang lindol dakong alas-10:19 ng umaga.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nagkaroon ng crack ang terminal sa Shaw Boulevard station at Boni Station at namataan na mayroon din sa Ayala Station.


Sa ngayon, balik-operasyon na ang MRT-3.

Facebook Comments