Senador, nakiisa sa paninindigan ng DFA na tutulan ang claims ng China sa ating teritoryo

Iginiit ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada na hindi mabibigyang katwiran ang mga walang basehang claims ng China para pangatwiranan ang kanilang mga agresibong aksyon laban sa bansa.

Kaugnay rito ay kasamang naninindigan si Estrada sa posisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagdedeklara sa China ng kawalang karapatan na tutulan o manghimasok sa ating lawful maritime operations at scientific research sa Sandy Cay at sa iba pang kalapit na lugar.

Ayon kay Estrada, ang Sandy Cay o Pag-asa Cay 2 ay bahagi ng Kalayaan Group of Islands (KIG) at kahit kailan ay hindi ito naging bahagi ng teritoryo ng China.

Malinaw aniya ang paulit-ulit na paglabag ng China sa ating soberenya, ang mga pananakot, panggigipit at hindi pagsunod sa mga international laws na pumapabor sa karapatan ng bansa.

Muli ring nanindigan si Estrada na hinding-hindi mababali ang commitment ng bansa na ipagpatuloy ang mga aktibidad sa ating teritoryo.

Facebook Comments