Tiniyak ni Senator Grace Poe ang patuloy na pagsusulong ng mga panukalang batas na mangangalaga sa kapakanan ng mga beterano sa bansa.
Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, sinabi ni Poe na utang ng bansa sa mga beterano at sa kanilang pamilya ang pagiging malaya.
Kaya naman, mahalaga aniyang tiyakin na patuloy na makatatanggap ang mga ito ng kinakailangang pangangalaga at suporta.
Sinabi ng mambabatas na noon lamang nakaraang taon ay sinusugan nila ang pagpapasa ng dagdag na pensyon ng mga beterano partikular ang mga may kapansanan dahil sa karamdaman, sakit, at mga sugat na natamo dahil sa pagtupad ng tungkulin.
Umaasa ang senadora na mamumuhay sa bawat Pilipino ang kabayanihan at katapangan ng mga beterano lalo na ang mga nasa forefront ng pagdepensa sa ating teritoryo at soberenya ng bansa.