
Pinaglalatag ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Agriculture (DA) ng istriktong monitoring protocols para matiyak na maipapatupad ang ₱45 na price cap sa imported na bigas.
Ayon kay Gatchalian, ang ipatutupad na ₱45 kada kilo na maximum suggested retail price (MSRP) sa imported rice ay magreresulta ng malaking savings sa mga Pilipino.
Sinabi ng senador na welcome ang price cap sa imported na bigas lalo’t marami sa mga consumers ang patuloy na nabibigatan sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Hinimok ng mambabatas ang DA na magpatupad ng mahigpit na pagbabantay sa lahat ng mga retail outlets upang matiyak na masusunod ang presyuhan ng imported rice.
Giit pa ni Gatchalian, mas magiging kapaki-pakinabang lamang ang price cap kung malawak ang implementasyon nito at maraming Pilipino ang makakabili ng murang bigas.