Manila, Philippines – Naghain si Senador Sonny Angara ng panukala para sa healthcare ng mag-ina sa unang isang-libong araw.
Sa senate bill no. 136, dapat magbenipisyo ang mga ina at mga anak nito mula sa isang komprehensibong health care program mula sa siyam na buwan na pagbubuntis hanggang sa unang dalawang taon ng bata.
Kaugnay nito, sa section 3 ng naturang panukalang batas ang pagbuo ng “First 1000 Days Program” sa bawat barangay.
Magiging katuwang nito ang DOH, DILG, DSWD, DOST sa pamamagitan ng National Nutrition Council and Food at Nutrition Research Institute.
Facebook Comments