Pinag-aaralan na ngayon ng Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Orgnisasyon (S.E.N.A.D.O.) ang nararapat na aksyon.
Pahayag ito ni S.E.N.A.D.O. President Rosel Eugenio, kasunod ng pag-red tag o akusasyon sa kanilang unyon ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Monteagudo bilang mata at tenga ng grupong Courage na isa sa mga front ng binansagang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic
Ayon kay Eugenio, ilan sa mga hakbang na kanilang ikinokonsidera ay ang pagdulog sa korte, gayundin ang pagdulog sa United Nations at sa Commission on Human Rights (CHR).
Sa pamamagitan ng isang virtual presscon ay sinabi ni Eugenio na nagdulot ng demoralisasyon sa kanilang hanay ang nabanggit na akusasyon.
Nangangamba rin sila maging dahilan ang red tagging para sila ay gawan ng masama o aarestuhin ng walang basehan.