Senate investigation sa pagkamatay ng 17-anyos sa drug operations, isinusulong ni Senator Bam Aquino

Manila, Philippines – Binabalangkas na ni Senator Bam Aquino ang resolusyon na kanyang ihahain para imbestigahan ng senado ang pagkamatay ng isang 17-anyos na lalaki sa isang anti-illegal drug operation ng pulisya sa Caloocan City.

Ang biktima ay ang grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos na ayon sa mga pulis ay nanlaban at unang nagpaputok sa kanila.

Ngunit ayon kay Senator Bam, malinaw sa CCTV footage mula sa barangay na bitbit ng dalawang pulis ang biktima patungo sa lugar kung saan siya nakitang patay.


Diin ng senador, malinaw sa CCTV footage na hindi bumunot ng baril ang biktima.

Ayon kay Senator Aquino, nakakabahala ang insidente dahil malinaw na may paglilinlang sa pagpaslang na isinagawa ng pulisya.

Bunsod nito, ay iginiit ni Senator Bam na repasuhin ng gobyerno ang kanilang istratehiya dahil palaging mahirap at walang laban lang ang apektado sa war on drugs.

Facebook Comments