Senate panel, nakatakdang busisiin ang krisis sa edukasyon

Nakatakdang busiiin ng c ang krisis sa edukasyon na nararanasan ng bansa sa pagbubukas ng 19th Congress sa Hulyo 25.

Kasunod ito ng inihaing resolusyon ni Senator Sherwin Gatchalian na magbubusisi sa pagpapatupad ng Republic Act 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013 na mas kilalang K to 12 Program.

Ayon kay Gatchalian, layon nito na mapagbuti pa ang programa sa gitna ng nakakakuhang dekalidad na edukasyon ng mga estudyante sa bansa.


Aniya, ang pagpapatupad ng reporma sa edukasyon na kasing kritikal ng K-12 Law ay dapat na mapanatili para ganap na makamit ang mga benepisyo nito.

Naniniwala rin si Gatchalian na ang pagrebisa sa K to 12 Programa ay makatutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.

Facebook Comments