Gary V, hiniling na bumalik na ang kaniyang boses

252

Inamin ng beteranong singer-performer na si Gary Valenciano na nahihirapan siya sa kanyang boses.

Sa Twitter, sinabi ni Gary na ilang linggo na siyang mayroong problema sa kanyang lalamunan kaya naman nagdasal siya na bumalik na ang kanyang boses.


Aniya, malapit na ang kanyang musical show na “Joseph the Dreamer” na kanyang pagbabalik sa musical theater pagkatapos ng 23 taon.

Mababatid na matapos gampanan ang titular role noong 1999, hahawakan naman ni Gary V ang karakter ng ama ni Joseph na si Jacob.

Ang anak nitong si Paolo, ang magdidirek ng nasabing musical show.

Facebook Comments