Matapos ang hindi pagsipot sa unang pagdinig sa Senado aasa si Senate Committee in Public and Dangerous Drugs Sen.Bato Dela Rosa na darating na sa ikalawang hearing, sa Miyerkules (August 14) ang mga grupong sangkot sa pagkawala ng mga estudyanteng aktibista.
Kabilang sa mga idinadawit na grupo ang anakbayan at Kabataan Partylist.
Nais ng Senador na magpaliwanag ang dalawang naturang grupo sa gitna ng umanoy recruitment ng mga militanteng grupo sa mga estudyante para sumapi sa mga rebeldeng NPA.
Dagdag pa ni Dela Rosa, dapat rin magpaliwanag ang nasabing mga grupo kaugnay ng pagkawala ng ilang mag-aaral na umanoy naging bahagi ng immersion at namundok.
Una ng sinampahan ng kasong kidnapping at iba pang reklamo ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mga lider ng anakbayan.
Para naman kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, ang lumutang na reklamo ay nagpapakita lang ng paninira sa kanilang grupo.