Senator Bong Go, aminadong nagdadalawang isip pa kung itutuloy ang pagtakbo sa pagkapangulo

1939

Aminado si presidential aspirant Senator Bong Go na nagdadalawang-isip siya ngayon kung itutuloy ang pagtakbo bilang pangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Go, desidido na siya noong una sa kandidatura bilang bise presidente kung kaya’t nahihirapan siya ngayon sa kaniyang sitwasyon.

Sinabi ng senador na ang pagtakbo niya sa pagkapangulo ay desisyon ng kanilang partido at ng Pangulong Rodrigo Duterte mismo.


Matatandaang noong November 13 ay umatras si Go sa pagtakbo bilang bise presidente at naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagkapangulo sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan.

Binawi ni Go ang kaniyang COC matapos ang paghahain ng COC ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang vice president.

Facebook Comments