Senator De Lima, may liham sa mga tagapagtanggol ni Pangulong Duterte

94

Isang sulat kamay na liham amg ginawa ng nakaditeneng si Senator Leila De Lima para sa mga tagapagsalita ni President Rodrigo Duterte, at ng Pambansang Pulisya.

 

Ang liham ni De Lima ay para sa lahat ng tumatanggi na walang kinalaman ang estado sa lahat ng patayang nagaganap na may kaugnayan sa kampanya laban sa iligal na droga.

 

Giit ni De Lima sa kanyang liham, ito ay nalinaw na pang iinsulto sa katalinuhan ng mga Pilipino at ng buong mundo.

 

Sabi ni De Lima, ang katotohanan ang pangunahing naging casualty o namatay sa ikinasang war on drugs ni Duterte.

 

Tiwala si De Lima na sa bandang huli ay mananagot si Pangulong Duterte at ang mga naging kasabwat nito sa pag-iimbento ng ebidensya at pagluluto ng kasinungalingan.



Facebook Comments