Senator Gatchalian, tiwalang maiibsan ang tension sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Senator Win Gatchalian ang napipintong pagbuo ng Code of Conduct sa South China Sea.

Isa ito sa napagkasunduan sa pagitan ng China at mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN.

Tiwala si Senator Gatchalian na isa itong mahalagang hakbang para tuluyang mapawi ang tensyon na hatid ng pagaagawan ng teritoryo sa bahagi ng West Philippine Sea.


Daan din aniya ito para sa patas na paglalayag at paggamit ng lahat ng bansa sa nabanggit na bahagi ng karagatan.

Maliban sa Pilipinas at China, ay kabilang din ang Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan sa mga nag-aangkin sa nabanggit na teritoryo.

Facebook Comments