Senator Hontiveros, may apela ukol sa mga patakaran para sa motorcycle backriding

Umapela si Senator Risa Hontiveros sa Inter-Agency Task Force (IATF) na tiyaking hindi magdudulot ng aksidente ang mga safety measure na ipinapatupad sa mga magka-angkas sa motorsiklo para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Partikular na tinukoy ni Hontiveros ang makeshift shield na requirement ng IATF sa mga nagba-backride sa motor na lubhang delikado dahil pwedeng matanggal o mawalan ng balanse.

Sa tingin ni Hontiveros, sapat nang safety measures sa magka-angkas sa motorsiklo ang pagsusuot ng face masks, gloves at helmets.


Bukod dito ay hiniling din ni Hontiveros sa IATF na linawin ang magkakasalungat na direktiba sa documentary proof na kailangang ipakita sa mga checkpoint ng mga magka-angkas sa motorsiklo.

Para kay Hontiveros, dapat ay sapat na ang I.D. o authorization mula sa barangay na nagpapakita na ang magka-angkas ay nakatira sa iisang bahay.

Umaasa si Hontiveros na ang mga polisya para sa motorcycle backriding ay makatwiran at kayang sundin ng publiko upang hindi maging dagdag pahirap habang limitado ang public transportation dahil sa pandemya.

Facebook Comments