Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa administrasyon na pag-isipang mabuti ang desisyon na tanggapin ang tulong mula sa European Union o EU na nagkakahalaga ng mahigit 13 bilyong piso.
Pinuna din ni Hontiveros ang paiba ibang pahayag ng mga opisyal ng administrasyong Duterte tungkol sa financial aid mula sa EU.
Nagpapakita aniya ito na hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na foreign policy framework ang bansa.
Dagdag pa ni Hontiveros, kailangang maging diplomatiko ang approach ng Pilipinas kaugnay sa nasabing foreign aid.
Ayon kay Hontiveros, dapat bigyang konsiderasyon ng Duterte government ang napakatagal ng relasyon ng Pilipinas sa European Union.
Paliwanag pa ni Hontiveros, walang masama sa tulong o pautang mula sa international community dahil ito ay maaring magamit para sa pagpapaunlad natin at pagpapasigla sa mga programa laban sa kahirapan.
Isa rin aniya itong simbolo ng pagkakaisa ng ibat ibang bansa.
DZXL558, Grace Mariano