Manila, Philippines – May mga kwestyon si Senator Panfilo Ping Lacson sa laman ng draft committee report na inilabas ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ukol sa mga anumalya sa Bureau of Customs.
Ayon kay Lacson, hindi pa niya pinipirmahan ang committee report at sa halip ay nagsumite siya kay Gordon ng mga komento at obserbasyon sa laman ng report.
Giit ni Lacson, ang laman ng draft committee report ay hindi tugma sa mga lumabas sa pagdinig at natalakay ukol sa tara system sa Customs at paglusot ng 6.4 billion pesos na shabu galling sa China.
Sabi ni Lacson, mayroon siyang seryosong reservation sa findings ng komite lalo na pagdating kina dating customs Commissioner Nicanor Faeldon, dating custom Intelligence Service chief Neil Estrella at Intelligence Officer Joel Pinawin.
Sa draft committee report ay inirekomenda ng sampahan ng kaso ng paglabag sa customs modernization and tariff act at anti-graft and corrupt practices act ang nabanggit na mga Customs officials.
Ayon kay Senator Lacson sinabi ni Senator Gordon na gagawa itong addendum sa committee report oras na matanggap na ang kanyang komento at obserbasyon.