Manila, Philippines – Inamin ni Senator Panfilo Ping Lacson na isa siya sa mga bomoto kotra sa pagkumpirma ng Commission on Appointments sa pagkakatalaga kay Secretary Gina Lopez sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Sabi ni Lacson hindi nakamit ni Lopez ang dalawang criteria para nakalusot sa CA ang isang presidential appointee o miyembro ng gabinete.
Ito aniya ang fitness at qualification o pagiging akma at kwalipikado sa posisyon.
Ipinaliwanag ni Lacson na hindi pasok sa criteia ang matinding passion at enthusiasm ni Secretary Lopez sa pangangalaga sa kalikasan.
Diin pa ni Lacson, sa kanyang obserbasyon at analysis sa pagharap ni Lopez sa CA hearing ay lumalabas na delikado itong maging pinuno ng isang departamento dahil mayroon itong authoritarian tendencies at ginagamit ang kanyang otoridad kahit hindi naaayon sa umiiral na batas.
DZXL558