Senator Lacson, nagpasalamat sa pagprayoridad ng US sa Pilipinas para mabigyan ng bakuna

Nagpaabot si Senador Panfilo Lacson ng maagang pasasalamat sa Estados Unidos matapos na ibilang ang Pilipinas sa mga uunahing bigyan ng bakuna sa ilalim ng COVID vaccine-sharing strategy nito.

Tinukoy ng mambabatas bilang indikasyon ng pagkakaibigan ang pagkakalahok ng Estados Unidos sa Pilipinas sa mga mauunang pagkalooban ng bahagi ng unang 25 milyon na doses ng bakuna.

Para kay Lacson, nagpapakita ito ng pakikipagkaibigan ng Amerika sa Pilipinas na hindi natin dapat kalimutan.


Dahil dito ay nanawagan si Lacson sa pamahalaan na lalo pang pagpapalakas ang kampanya sa pagbabakuna upang tumibay pa ang tiwala ng publiko na magpahanggang ngayon ay marami pa ring nagdududa at natatakot.

Una nang ipinunto ng senador na dapat ay maabot ng Pilipinas ang herd immunity laban sa COVID-19 upang makapanumbalik sa dating sigla ang ekonomiya ng bansa.

Pero giit ni Lacson, ito ay magaganap lamang sa ilalim ng matatag na tiwala publiko sa bakuna at sa sapat na suplay nito.

Facebook Comments