Senator Paquiao, patuloy na lalaban hanggang may pagmamahal siya sa boxing

Manila, Philippines – Sa kabila ng mga panawagang pagreretiro ay patuloy na lalaban si Senator Manny Pacquiao sa boxing hanggat nananatili ang matinding pagmamahal niya dito.

Mensahe ito ng Pambansang Kamao, makaraang pagtibayon ng World Boxing Organization o WBO ang pagkapanalo ng Australian boxer na si Jeff Horn sa kanilang laban na ginanap lang nitong July 2.

Binigyang diin ni Pacquiao na patuloy siyang lalaban para sa Panginoon, sa kanyang pamilya, sa kanyang mga tagahanga at sa ating bansa.


Ayon kay Pacquiao, pag-iisipan nya lang ang pagtalikod sa boxing kapag nawala na ang passion niya dito.

Una ng sinabi ni Pacquiao na hindi na niya ikinagulat ang pasya ng WBO matapos na pagbigyan ang hiling ng Games and Amusement Board na i-review ang Pacquiao-Horn fight.

Sabi pa ni Pacquiao ilang beses na siyang nakasaksi ng mga laban na ang resulta ay minanipula.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments