Senator Robin Padilla, hinimok ang pamahalaan na tulungan ang Sultanato ng Sulu na singilin ang Malaysia sa renta sa Sabah

Umapela si Senator Robinhood Padilla na tulungan ng gobyerno ng Pilipinas ang Sultanato ng Sulu na masingil ang Malaysia sa renta nito sa Sabah o North Borneo.

Matatandaang iniutos ng French Court sa Malaysia na magbayad ng $14.9 billion sa mga taga-pagmana ng Sultanate ng Sulu dahil sa paglabag sa international private lease agreement.

Sa kanyang privilege speech, inilatag ni Padilla ang kasaysayan ng kasunduan sa pagitan ng Sultanato ng Sulu at isang foreign company para rentahan ang North Borneo noong 1878.


Mula 1963, Malaysia na ang nagbabayad nito pero tumigil ang pagbabayad ng renta sa lugar ang Malaysia.

Kaya noong 2018 ay inihain ng mga tagapagmana ng Sultanato ang opisyal na reklamo laban sa pamahalaan ng Malaysia sa pamamagitan ng arbitrasyon sa Espanya na kumatig sa kanila.

Sabi ni Padilla, kung masingil ito ay malaki ang perang makukuha ng gobyerno mula sa buwis na aabot naman sa ₱174 billion na malaking tulong sana lalo ngayong nasa gitna pa rin ang bansa ng pandemya.

Facebook Comments