Bagong pinuno ng Naval Staff, pormal nang naupo sa pwesto

88
Photo Courtesy: Philippine Navy

Epektibo kahapon, Agosto 9, pamumunuan na ni Commodore Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta ang Naval Staff.

Ito ay makaraan ang change of chief ceremony na ginanap sa punong tanggapan ng Philippine Navy headquarters.

Photo Courtesy: Philippine Navy

Si Ezpeleta ay humawak na rin ng iba’t ibang key positions sa Philippine Navy kabilang dito ang pagiging superintendent ng Naval School Center, Assistant Chief of Naval Staff for Personnel (N1), deputy commander ng Naval Forces Eastern Mindanao, deputy commander ng Naval Education Training Command at commander ng Naval Forces Southern Luzon.

Papalitan ni Ezpeleta si Rear Admiral Caesar Bernard Valencia.

Kasunod nito, nagpahayag ng suporta si Valencia kay Ezpeleta at sinabing kayang-kaya nitong pamunuan ang Naval Staff.

Nagpapasalamat naman si Ezpeleta kay Pangulong Bongbong Marcos sa tiwalang ibinigay nito para pamunuan ng Philippine Navy.



Facebook Comments