Manila, Philippines – Pinayuhan ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto, ang mga motorista na huwag magsusuhol sa mga law enforcers sa oras na sila ay mahuling lumalabag sa Anti-Distracted Driving Act.
Ito ayon kay Sotto ang pinakamabisang paraan para matiyak na hindi magagamit sa pangongotong ng mga law enforcers ang bagong batas.
Ang pahayag ni Sotto ay kasabay din ng unang araw ng implementasyon ng pagbabawal sa paggamit ng cellphones at iba pang electronic gadgets habang nagmamaneho.
Kaugnay nito ay iginiit ni Sotto sa mga motorista na pinakamabuting sumunod ng mahigpit sa batas, huwag lumabag para hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga tiwaling traffic enforcers na mangotong.
Facebook Comments