iFM Laoag – Namahagi ng tulong si Senator Win Gatchalian sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Ilocos Norte noong ika-anim (6) ng Nobyembre 2021.
Namigay siya ng mga Personal Protective Equipment sa Mariano Marcos Memorial Hospital & Medical Center (MMMH&MC) sa lungsod ng Batac na personal na tinanggap ni Dr. Jose B. Orosa III, ang Chief of Medical Professional Staff ng nasabing ospital.
Ang mga naipamahaging medical supplies ay nasa 14,050 sets ng PPES, Shoe Cover, at head cap; 7200 pares ng slippers at 33,600 piraso ng 3M Face Masks. Ang mga ito ay makakatulong bilang proteksyon ng mga medical frontliners na tumutugon sa pagsugpo ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Nag-ikot rin si Gatchalian sa iba’t-ibang himpilan ng radyo at nakipagtalakayan sa mga mamamayan ng Ilocos Norte at ang mga namumuno dito.
Kilala si Sen. Win Gatchalian sa pagtulong sa mga mahihirap, magsasaka, mangingisda, sa mga mag-aaral lalo na sa free tuition fee sa kolehiyo, at iba pang sektor sa lipunan. | via Bernard Ver