Senators Villar at Pacquiao, nananatiling pinakamayaman sa mga senador

Nananatiling pinakamayaman sa mga senador sina Senators Cynthia Villar at Senator Manny Pacquiao.

Base ito sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN noong December 31, 2020.

Si Senator Villar ay may kabuuang yaman na mahigit 3.8 billion pesos at liabilities habang mahigit 3.1 billion pesos naman ang net worth ni Senator Pacquiao na binawasan ng 350 million pesos na liabilities.


Pangatlo sa pinakamayaman si Senator Ralph Recto na may net worth na mahigit 581,000 million pesos.

Pang-apat si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na may network na mahigit 220,000 million pesos at panglima si Senator Ramon Bong Revilla Jr. na may net worth na mahigit 179,000 million pesos.

Pang-anim naman si Senator Sonny Angara na mayroong P150.8 million pesos.

Sumunod si Senate Minority Leader Franklin Drilon na may P106.8 million pesos.

Pangwalo si Senator Grace Poe na mayroong P101.3 million pesos.

Kasunod si Senator Sherwin Gatchalian na may P91.2 million pesos at walang liabilities.

Pangsampu naman si Senate President Vicente Sotto III na may P85.6 million pesos.

Si Senator Pia Cayetano naman ay mayroong P84.5 million.

Narito ang pagkasunod-sunod:

12. Senator Richard Gordon – P77.5 M
13. Senator Lito Lapid – P74.9 M
14. Senator Francis Tolentino – P59.8 M
15. Senator Nancy Binay – P59.7 M
16. Senator Panfilo Lacson – P58.3 M
17. Senator Aquilino “Koko” Pimentel III – P37.2 M
18. Senator Imee Marcos – P36.2 M
19. Senator Ronald “Bato” dela Rosa – P34.3 M
20. Senator Joel Villanueva – P33 M
21. Senator Francis Pangilinan – P23.9 M

Pangatlo naman sa may mababang kayamanan si Senator Christopher “Bong” Go na may net worth na mahigit P22.2 million

Si Senator Risa Hontiveros naman ay mayroong mahigit P16.7 M at walang liability.

Habang pinakamahirap na senador ay si Senator Leila de Lima na mayroong net worth na mahigit P9.5 M.

Facebook Comments