Send-Off Ceremony para sa mga tauhan ng PNP-HPG na magbabantay sa dadaanan ng Pangulo sa SONA, gagawin bukas

Nakahanda na ang mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) para magbantay sa posibleng ruta na dadaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa araw ng kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa araw ng Lunes, July 24, 2020.

Bukas ay isang Send-Off Ceremony ang gagawin para sa mga PNP- HPG personnel, na hindi natuloy kaninang umaga.

Gagawin ang Send-Off Ceremony bilang paghahanda sakaling bi-byahe by land ang Pangulo mula sa Malakanyang patungo ng Batasan Complex.


Kasama sa mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng PNP-HPG ay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Samantala, sa kabila ng ipinagbabawal ang kilos-protesta ngayong may COVID-19 pandemic ay nagbanta naman ang mga militanteng grupo at mga kritiko ng administrasyon na magsasagawa pa rin sila ng physical protest sa Lunes, araw ng SONA ng Pangulo.

Facebook Comments