Senior Citizen at PWD’s sa Maguindanao nakabiyaya ng maagang pamasko

Naging matagumpay ang isinagawang Senior Citizen at PWD’s Assembly na ginanap kahapon sa Municipal gymnasium ng bayan ng Buluan, Maguindanao. Ang bawat munisipyo ay may mga represantatives.

Ilan sa dumalo at naging panauhin ay sina Conchita Guerero ng National Anti Poverty Commission (NAPC), Nimfa Isla ang Presidente ng Federation of Senior Citizen Association of the Philippines (FSCAP 12) at si 2nd district BM Datu King Jasser Mangudadatu.

Sa kabuuan ng programa naging highlights ang pagtatagisan ng talento o showdown of Talent at pagkakaroon ng Raffle Draw. Ilan sa mga napanalunan sa nasabing raffle ay mga bigas, appliances, cash at iba pa. Sa pagtatapos ng paligsahan agad na itinanghal ang winners. Ang nagchampion ay nakatanggap ng P20, 000, ang 2nd ay P10, 000 at 3rd P7, 000. Sa Senior Citizen Category Champion ang bayan ng Buluan, 2nd ang Talayan, 3rd ay Parang. Maguindanao.


Sa PWD’s category: Champion ang entry #10 na si Sahara Palty ng Buldon, 2nd ang entry #6 na si Tanto Macalay ng Rajahbuayan, 3rd entry#7 Arjan Aliman ng Ampatuan, Maguindanao. Ang mga di pinalad na makapasok sa Top 3 ay may Consolation Prizes na P1, 500.

Taos pusong nagpaabot ng pasasalamat si Provincial Budget Officer at MAG. People s Medical Team incharge Maam Lynette Estandarte sa lahat ng nakiisa at lumahok sa matagumpay na aktibidad na tinawag na HULING HIRIT SA MAGUINDANAO HANDOG PAGMAMAHAL KATEGELAN 2017 na programa ng Serbisyong Totoo ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu. (NASH ALFONSO)

Facebook Comments