SENIOR CITIZEN NA DATING REBELDE, BOLUNTARYONG SUMUKO SA GOBYERNO

Cauayan City – Isang dating miyembro ng makakaliwang grupo ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan sa Brgy. Lepanto, Quezon, Isabela.

Kinilala ang sumukong indibidwal bilang si alyas “Francis”, 66-anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Kasabay ng kanyang pagbabalik-loob, isinuko rin niya ang isang homemade 12-gauge shotgun na walang serial number.

Ayon kay Francis, sumapi siya sa kilusan noong 2003 at lumahok sa isang kilos-protesta sa Lungsod ng Ilagan noong 2004.

Matapos nilang makasagupa ang militar sa Brgy. Sta. Margarita, Baggao, Cagayan noong March 18, 2006 ay napagpasyahan niyang hindi na bumalik sa grupo.

Sa halip, pinili niyang manirahan nang tahimik kasama ang kanyang pamilya sa bayan ng Quezon, Isabela.

Facebook Comments