‘Ghosting’ sa SHS Voucher Program ng DepEd, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon sa House Committee on Basic Education and Culture at Good Government and Public Accountability ang umano’y mga ‘ghost student’ na benepisaryo ng Senior High School (SHS) Voucher Program ng Department of Education (DepEd).

Iginiit ni Bongalon na makabubuting sabayan ng Kamara ang aksyon ng DepEd upang maisalba ang kredibilidad ng programa lalo’t hindi lamang pera ng bayan ang nawawala kundi nasisira din ang tiwala ng taumbayan sa sistema ng edukasyon.

Tinukoy ni Bongalon na base sa report, nagsimula umano ang ghost beneficiaries ng program noong 2016 sa ilalim ng administrasyong Duterte at nagpatuloy sa liderato ni Vice President Sara Duterte sa DepEd.

Binanggit ni Bongalon na nito lamang school year 2023-2024 ay umabot sa P52 million ang pondo nawala dahil sa bogus enrollees na isinumite ng 12 pribadong paaralan.

Facebook Comments