Senior Citizen, Nagreklamo Matapos Hindi Mabigyan ng Ayuda!

Cauayan City, Isabela- Inireklamo ng isang Senior Citizen sa Barangay Patul, Santiago City ang hindi nito pagkabilang sa ayudang sana’y matatanggap nito sa ilalim ng Social Amelioration Program ng DSWD.

Ayon kay Ginang Lilia Fuerte, 71-anyos, nang ininterview ito ng kawani ng City Social Welfare and Development ay agad itong dinisqualify dahil wala naman itong kasama sa bahay na isa sa mga tinitingnan na basehan ng DSWD.

Hindi umano nito alam na ang tinutukoy ng CSWD ay ang kasamang anak dahil biyuda naman ito at walang anak.


Giit pa ni Fuerte, may kasama naman ito sa bahay at ito ay ang kanyang kapatid na isang senior citizen din.

Samantala, ayon kay Brgy. Chairman Julian Cortez, masusi ang ginagawang validation ng kanilang hanay sa pagtukoy sa mga kwalipikadong pamilya na maayudahan ng gobyerno.

Ani ng opisyal, hindi man napabilang sa ayuda ng DSWD si Fuerte ay tinitiyak naman nito na mapapabilang sa City SAP na P2,500.

Facebook Comments